14 katao ang patay at 32 iba pa ang sugatan sa sagupaan sa sa lunsod ng Benghazi sa Libya.
Ayon sa Tagapagsalita ng militar ng Eastern Government ng libya na si Wanish Boukhamada, ilang buwan na ang sagupaan sa pagitan ng militar at mga militanteng grupo.
Nakikita, aniya, ng mga militante bilang pagkakataon para makapag-atake ang lumalalang tensyon sa pagitan ng 2 magkahiwalay na gobyerno ng Libya.
Samantala, kamakailan lang ay nagsagawa ng airstrike ang Estados Unidos sa pinaghihinalaang kampo ng mga militante sa Western Libya kung saan limampung katao ang nasawi, kabilang na ang 2 staff ng Serbian Embassy sa Libya na dinukot noong Nobyembre.
By: Avee Devierte