Nasawi ang 14 na indibidwal matapos tamaan ng kidlat sa Peshawar, Pakistan.
Ayon kay Kamran Bangash, Provincial Spokesman, magkakatabi ang bahay ng mga biktima kung saan kabilang sa mga nasawi ang limang bata at apat na kababaihan.
Aniya, posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga nasawi.
Sugatan naman ang tatlo katao na kasama ng mga biktima.—sa panulat ni Hya Ludivico