Sugatan ang 14 katao kabilang ang isang sanggol matapos bumangga ang isang mini-bus sa poste ng kuryente sa Kawit, Cavite kahapon.
Batay sa impormasyon mula sa Disaster Response Office ng naturang bayan, nag-overtake ng bus ngunit hindi napansin ng driver ang poste kaya ito sumalpok.
Kasalukuyang pinaghahanap ngayon ng awtoridad ang driver matapos itong tumakas.
Dalawa naman sa mga biktima ang umano’y nasa kritikal na kondisyon.
Setyembre 2017, isang pampasaherong jeep ang sumalpok din sa poste sa kaparehong highway na ikinasawi ng limang katao.