Isinailalim na sa state of calamity ang 14 na barangay sa General Santos City.
Ayon kay City Administrator Arnel Zapatos, ito’y bunsod ng matinding tagtuyot na tumatama sa lungsod.
Ang siyudad ng General Santos ay mayroong 26 na barangay at halos kalahati rito ay agriculture-based areas.
Paliwanag naman ni Merlinda Donasco ng City Agriculture Office o CAO, hindi maaaring ideklara ang state of calamity sa buong lungsod dahil ilang barangay lang naman ang matinding apektado ng El Niño.
By Jelbert Perdez