Aabot sa labing apat (14) na milyong Facebook users ang naapektuhan ng software glitch.
Ayon sa Chief Privacy Officer ng Facebook na si Erin Egan, natuklsan nila ang bug na awtomatikong nagsa-suggest ng public post.
Partikular na naapektuhan nito ang mga post sa pagitan ng May 18 at May 27.
Kabilang sa epekto ng naturang software glitch ay ang automatic na pagiging public post kahit pa ito ay dapat na naka-private.
Dahil dito, pinayuhan ng Facebook ang mga apektado na i-review ang kanilang mga post sa mga nabanggit na petsa at tingnan kung dapat bang gawing private ang kanilang mga post.
—-