Nakatakdang isailalim sa mass testing ang mahigit 200 manggagawa ng Subic Bay International Terminal Corporation (SBITC).
Ito ay matapos magpositibo sa COVID-19 ang 14 na manggagawa sa nasabing sakit.
Sinabi ni SBMA Chair at Administrator Wilma Eisma na ang kaso ng COVID-19 ay nagsimula sa isang manggagawa mula Olongapo City na walang travel history saan mang high risk area.
Ipinag-utos din ni Eisma ang pagsasagawa ng disinfection sa buong terminal complex at mahigpit ang pakikipagtulungan ng SBITC upang hindi lumaganap ang sakit sa kanilang mga manggagawa.
Kabilang sa mga sasalang sa mass testing ang shift workers, port users, security personnel, canteen staff at SBMA checkers.