Sumuko ang 14 na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa mga militar sa North Cotabato.
Ayon kay Major General Juvymax Uy ng Philippine Army-6th Infantry Division, bunga ito ng pagsusumikap ng hanay ng mga militar na matuldukan ang grupo bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kabilang sa mga sumuko ang 12 senior member ng BIFF at dalawang menor-de-edad kung saan, narekober ang pitong armas, isang M16 rifle, isang M1 grand rifle, isang M14 rifle, dalawang calibre 50 barret sniper rifle, isang 7.62mm barret sniper rifle, isang cal. 45 pistol at ibat-ibang klase ng bala. —sa panulat ni Kim Gomez