Pinangunahan ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Gen. Dionardo Carlos ang panunumpa at pagsasabit ng estrella sa may 14 na bagong promote na mga Heneral ng PNP sa Kampo Crame.
Ilan sa mga ito ay nadagdagan ng estrella at umangat na sa ranggong Police Major General na may 2 star rank tulad nila P/MGen. Valeriano De Leon ng Directorate for Operations; P/MGen. Ronaldo Olay ng Directorate for Logistics; P/MGen. Rex Urbano na Deputy Inspector General ng PNP Internal Affairs Service.
Samantala, itinalaga rin ni Carlos ang mga bagong Heneral ng Pambansang Pulisya sa pangunguna ni Public Information Office Chief, P/BGen. Roderick Alba; Area Police Command – Western Mindanao P/BGen. Lyndon Mencio; P/BGen. Dexter Rellora ng Directorate for Plans; P/BGen. Joel Limson ng Police Regional Office 8.
P/BGen. Baltazar Rivera ng Police Regional Office 4-B; P/BGen. Joaquin Alva ng Office of The Chief Directorial Staff; P/BGen. Ernesto Tendero ng PNP Academy; P/BGen. Ferdinand Navarro ng IAS; P/BGen. Pablo Labra ng Police Regional Office Bangsamoro at P/BGen. Bowenn Joey Masauding ng Directorate for Comptrollership.
Nagpaabot ng pagbati si Carlos sa mga bagong talagang opisyal sabay nagtagubilin sa mga ito na ang pag-angat sa pwesto ay may kaakibat na pananagutan, dedikasyon, consistency, persistence at committment sa serbisyo publiko. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)