Naitala ngayon ang 14 na bagong kaso ng Middle East Respiratory Syndrome o MERS virus sa South Korea.
Ayon sa Health Ministry ng South Korea, pumapalo na ngayon sa 122 ang bilang ng mga kumpirmadong tinamaan ng naturang nakamamatay na sakit.
Kabilang sa mga bagong kaso ay isang isang buntis na ang mga magulang ay nagpositibo din sa MERS virus.
Dahil dito, pumapangalawa na ang South Korea sa Saudi Arabia pagdating sa dami ng kaso ng MERS.
By Ralph Obina