Ibinabala ng PAGASA o Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration na posibleng labingapat (14) na bagyo ang pumasok sa PAR o Philippine Area of Responsibility hanggang sa Nobyembre.
Ayon sa PAGASA, isa o dalawang bagyo ang inaasahan nila ngayong buwan, dalawa hanggang tatlong bagyo sa Hulyo, dalawa hanggang apat na bagyo sa Agosto at maging sa Setyembre, isa hanggang tatlo sa Oktubre, at isa o dalawa sa Nobyembre.
Sa ngayon, apat na bagyo na ang pumasok sa PAR ngayong taon.
Samantala, sinabi ni ana Liza Solis, Officer-in-Charge ng PAGASA Climate Monitoring and Prediction Section, na hindi nila inaasahan na makararanas ang Pilipinas ng El Niño o La Niña phenomenon hanggang sa susunod na buwan.
Pero, ipinahiwatig ni Solis na posible ang enso-neutral at mahinang El Niño sa huling bahagi ng taong 2017, batay sa latest forecast ng international climate monitoring agencies.
By Meann Tanbio
14 bagyo posible hanggang sa Nobyembre—PAGASA was last modified: June 6th, 2017 by DWIZ 882