Ligtas na sa kaso ng COVID-19 ang nasa 14 na bayan sa Isabela matapos maging COVID-19 free.
Kabilang sa mga lugar ay ang Alicia, Benito Soliven, Cabagan, Dinapigue, Naguilian, Palanan, Quirino, Reina Mercedes, San Agustin, San Guillermo, San Pablo, Sta. Maria, Sto. Tomas, at Tumauini.
Ayon sa Provincial Information Office, nasa 80 na ang aktibong kaso sa kanilang lugar habang nasa 28 naman ang mga bagong gumaling sa sakit dahilan para maitala ang kabuuang 58,562 habang 2,061 naman ang total COVID-19 related deaths.
Sa ngayon, nasa 60,703 na ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa nasabing probinsya.——sa panulat ni Angelica Doctolero