Patay ang 14 na elepante sa dalawang national park sa Zimbabwe matapos lasunin ng cyanide.
Ayon sa ulat, 11 elepante ang nilason sa Hwange National Park habang 3 naman sa Matusadona National Park.
Nahuli naman ang 5 suspek na responsable sa panlalason sa naturang mga elepante.
Naniniwala ang mga otoridad na elephant tusk ang target ng mga suspek kaya’t nilason ang 14 na elepante.
By Ralph Obina