Kanselado ang 14 na flights ng Cebu Pacific matapos mabalahaw ang eroplano ng Jetstar Airline na patungong Japan sa Ninoy Aquino Internartional Airport (NAIA) kaninang madaling araw.
Batay sa abiso ng Cebu Pacific Air, kabilang sa mga apektadong flights ang kanilang eroplanong biyaheng Bacolod Caticlan; Cebu; Legazpi; Tuguegarao; Tacloban at Cagayan de Oro kasama ang pabalik ng Manila.
Ayon sa Cebu Pacific, kanila nang naabisuhan ang mga naapektuhang pasahero sa pamamagitan ng e-mail at text messages.
Kasabay nito, pinapaalalahanan naman ang iba pang mga pasahero na maiging planuhin ang kanilang biyahe dahil may posibilidad pang madagdagan ang mga makakanselang flights.—ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)