Inanunsyo na ng Catholic charismatic group na El Shaddai ang labing apat na kandidato sa pagka-senador na kanilang susuportahan para sa nalalapit nang May 13 midterm elections.
Sa isinagawang worship service kagabi sa Amvel Business Park sa Parañaque City kagabi, mismong si El Shaddai Servant Leader Bro. Mike Velarde ang nag-anunsyo sa kanilang mga susuportahang kandidato.
10 sa mga ito ay kabilang sa regional party na itinayo ni Davao City Mayor Sarah Duterte – Carpio na Hugpong ng Pagbabago (HNP) at PDP-Laban na partido naman ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ilan sa mga ito ang re-eleksyunistang sina Senadora Cynthia Villar, Senador Aquilino “Koko” Pimentel III, JV Ejercito at Sonny Angara.
Gayundin ang nagbabalik senado na sina Bong Revilla at Jinggoy Estrada; Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, dating Special Asst. to the President Bong Go, dating Presidential Political Adviser Francis Tolentino at dating PNP at BuCor Chief Ronald Bato Dela Rosa.