Patay ang 14 na Military Personnel sa naganap na pamomomba sa bahagi ng Damascus, Syria na ikinasugat ng 3 pang indibidwal.
Sa report na nakuha ng mga awtoridad, sumabog ang sinasakyang bus ng mga Military Sirian sa bahaging malapit sa bus transfer point kung saan, karaniwang naghihintay ang mga commuters at mga mag-aaral.
Napag-alaman na dalawang bomba ang inilagay sa naturang bus ng hindi pa nakikilalang salarin.
Sa ngayon, nagsasagawa na ng imbestigasyon sa lugar habang patuloy pang pinaghahanap ng mga awtoridad ang responsible sa pambobomba. —sa panulat ni Angelica Doctolero