Patay ang 14 na militiamen matapos makasagupa ang security forces sa isang village sa Democratic Republic of the Congo o DRC.
Ayon sa ulat, maliban sa mga nasawing rebelde ay nalagasan din ng dalawang kawal ang armed forces.
Una rito, minasaker umano ng mga militiamen sa Tingwe ang 25 residente sa isang plantasyon dahilan upang rumesponde doon ang mga sundalo.
Patuloy ang ginagawang pagtugis sa mga nakatakas na rebelde.