Binalaan ni Senador Panfilo Lacson na masa-cite for contempt ang labing apat (14) na miyembro ng Aegis Juris Fraternity na sangkot sa pagkamatay ni Horacio ‘Atio’ Castillo III.
Ito ayon kay Lacson ay kapag hindi dumating sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs bukas sina Arvin Balag, Aeron Salientes, Mhin Wei Chan, Mark Anthony Ventura, Oliver John Audrey Onofre, Ralph Trangia at Ranie Rafael Santiago.
Bukod pa ito kina Zimon Padro, Joshua Joriel Macabali, Karl Matthew Villanueva, Jose Miguel Salamat, Danielle Hans Matthew Rodrigo, Axel Munro Hipe at Marcelino Bagtang.
Samantala, magsasagawa muna ng caucus bukas ng umaga ang mga senador na miyembro ng komite bago isagawa ang panibagong pagdinig.
Pag – uusapan ng komite kung paano isasapubliko ang mga isiniwalat ni John Paul Solano sa executive session hinggil sa pagkasawi ni Atio.