Patay ang 14 na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at apat na sundalo sa ikinasang operasyon ng militar sa Ampatuan Maguindanao.
Ayon sa Western Mindanao Command (Westmincom), nagsagawa sila ng opensiba laban sa BIFF matapos makatanggap ng impormasyon mula sa mga residente ng barangay Salman hinggil sa kuta ng mga ito.
Napigilan din ng militar ang plano umanong pag-atake ng grupo.
Nakapagtala rin ang militar ng limang sugatan sa insidente habang narekober naman ang iba’t-ibang kalibre ng mga armas, bala, improvised explosive devices (IED) at mga gamit pampasabog.
Samantala, pinapurihan naman ni Westmincom Chief Lt. General Cirilito Sobejana ang katapangan ng mga sundalong lumaban at nagbuwis ng buhay para mapalaya mula sa mga kalaban ang nabanggit na komunidad.