Umabot sa 14 na panukalang batas ang inihain sa Senado ang naisabatas mula nang magbukas ang 18th congress nuong Hulyo 2019.
Ito ay batay sa datos ng Senate legislative bill and index service, indexing, monitoring and L.I.S section sa halos 2,000 panukalang batas na inihain.
Kabilang sa mga panukalang naging ganap na batas mula Hulyo 22, 2019 hanggang Disyembre 16, 2020 ay ang pagpapaliban ng barangay at Sangguniang Kabataan SK Elections, Anti-Terrorism Act, Bayanihan to Heal as One Act (Bayanihan 1) at ang Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2) law.
Matatandaang naisabatas din ang Malasakit Centers Act, Salary Standardization Law of 2019, excise tax on alcohol products, national day of remembrance for road crash victims, National Academy of Sports act, GMRC and Values Education Act at iba pa.
Sa kasalukuyan, mayroon pang apat na panukala ang naghihintay ng lagda ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang Organic Agriculture Act, Alternative Learning System Act, doktor para sa Bayan Act at ang panukalang batas na layong bigyan ng otoridad ang pangulo na bilisan ang proseso ng paglalabas ng mga permit.