14 na Pinoy ang pasok sa listahan ng pinakamayayamang tao sa buong mundo batay sa Forbes Magazine.
Nangungunang bilyonaryong Pinoy ay si Henry Si na siyang may-ari ng SM Investment Corporation.
Nakuha ni Sy ang ika 94 na pwesto na pinakamayayamang tao sa buong mundo dahil sa net worth nitong nasa 12.7 billion dollars.
Mas mababa ito kaysa sa net worth ni Sy noong nakaraang taon na nasa 13.3 billion dollars.
Sinundan naman ito ni John Gokongwei Jr. ng JG Summit Holding na nasa pang 250 pwesto na may 5.8 billion dollars na net worth.
Pumapangatlo naman at nasa pang 501 sa buong mundo si Lucio Tan ng Philippine Airlines na may kabuuang yaman na 3.7 billion dollars.
Kabilang din sa mga Pinoy na pasok sa listahan ng pinakamayayamang tao sa buong mundo sina George Ty na may 3.5 billion dollars; Enrique Razon Jr. na may 3.4 billion dollars; Tony Tan Caktiong na may 3.4 billion dollars; David Consuji na may 3.1 billion dollars; Andrew Tan na may yaman na 2.5 billion dollars; Robert Coyiuto Jr. na may 1.5 billion dollars at dating Senador Manny Villar na may 1.5 billion dollars.
Kukumpleto din sa listahan sina Ramon Ang na may 1.4 billion dollars; Eduardo Cokuangco na may 1.2 billion dollars; Roberto Ongpin na may 1.1 billion dollars; Edgar Sia na may 1 billion dollars.
Samantala, nananatili namang pinakamayamang tao sa buong mundo si Microsoft founder Bill Gates na may 86 billion dollars.
By Ralph Obina