Nakitaan ng paglabag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang nasa 14 na quarrying operators Sa Albay.
Ayon kay Environment Undersecretary Jonas Leones, batay ito sa inisyal na resulta ng isingawang imbestigasyon ng ahensya sa mga lugar na dinaanan ng lahar malapit sa Bulkang Mayon.
Aniya, apat sa mga ito ang patuloy sa operasyon kahit paso na ang permit.
Habang siyam naman ang sumobra o lagpas na sa pinapayagang lugar ng kanilang operasyon.
Sinabi ni Leones, sa kasalukuyan ay pinatawan na ng pansamantalang suspensyo sa kanilang operasyon ang nabanggit na labing apat na quarrying operators.
Posible naman aniyang palawigin o ganap na ipatigil ang operasyon ng mga ito, oras na mapatunayan ang kanilang mga naging paglabag sa umiiral na environmental laws.