Nasa 14 na rehiyon na sa bansa ang nagsimula nang ipatupad ang taas sahod para sa mga minimum age earner sa pribadong sektor nitong June 2022 ayon sa palasyo.
Kabilang na dito ang National Capital Region (NCR), Cordillera Administrative Region (CAR), Region 1,2,3, 4-a at 4-b Region 5 hanggang 13 pati na rin ang BARMM.
Bukod pa rito, nagsimula na rin ang implementasyon ng taas sahod para sa mga kasambahay sa rehiyon ng NCR, CAR region 1,2,3 4-a, 4-b at region 5.
Nabatid na sa NCR 33 pesos ang taas sahod para sa mga minimum wage earners.