Umabot na sa 14 na indibidwal ang naitalang lumabag sa ipinatupad na National COMELEC Gun Ban.
Ayon sa Philippine National Police, ang 14 na inaresto ay mula sa ibat ibatng lungsod sa Metro Manila kabilang na ang Quezon city, Pasay city at Navotas City.
Ayon kay Police Major Gen. Vicente Danao Jr., patuloy na paiigtingin ng kanilang ahensya ang pagbabantay sa mga checkpoint sa gitna ng pagpapatupad ng election gun ban.
Matatandaang halos dalawan-libong checkpoints ang minomonitor ng labing apat na libong tauhan ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at COMELEC para ipatupad ang resolusyon ng poll body na nagbabawal sa pagdadala o pagbitbit ng mga baril at iba pang nakamamatay na armas na tatagal naman hanggang sa Hunyo a-otso.
Sa nasabing resolusyon, sinuspinde muna ang lahat ng licensed firearm holders, juridical entities at mga miyembro ng government law enforcement agencies.
Samantala, nilinaw naman ni PNP Chief Gen. Dionardo Carlos na tanging ang mga naka-duty lamang na tauhan ng pnp at afp ang pinapayagang magdala ng baril.—sa panulat ni Angelica Doctolero