Inaasahang pabalik na ng Pilipinas ngayong araw ang 14 na Overseas Filipino Workers (OFW) na mula sa Middle East, bunsod ng nagpapatuloy na kaguluhan doon.
Sinabi ni Department of National Defense (DND) Sec. Delfin Lorenzana, dinala muna ang mga naturang Pilipino sa bansang Qatar para matiyak ang kanilang kaligtasan.
Naniniwala naman si Lorenzana na lolobo pa ang bilang ng mga OFW na magsisiuwian ng Pilipinas kasunod ng tumitinding tensyon sa rehiyon.
Kasabay nito, tuloy-tuloy naman ang isinasagawang monitoring ni special envoy to the Middle East at DENR Secretary Roy Cimatu sa mga kaganapan sa Iran, Iraq, Libya at mga kalapit pa nitong mga bansa.