Sinibak ni Finance Secretary Carlos Dominguez ang labing apat (14) na opisyal ng Department of Finance (DOF).
Ito ay matapos masangkot ang mga ito sa katiwalian at makitang guilty sa mga kasong grave misconduct, serious dishonesty at gross neglect of duty.
Maliban dito, nahaharap din sa kasong administratibo si Elena Asuncion, ang puganteng treasurer ng Laoag.
Iniutos na rin ni Dominguez ang mas malalim na imbestigasyon sa 85 milyong pisong pondo na nawala sa pamumuno ni Asuncion.
By Katrina Valle | Aileen Taliping (Patrol 23)