Aabot sa 14 na paaralan ang nasira ng magnitude 6.0 na lindol na tumama sa new bataan sa Davao de Oro noong miyerkules.
Batay sa Region 11 Educational Cluster Report, sinabi ng Department of Education (DEPED) na mangangailangan sila ng humigit-kumulang pitong milyong piso para maisaayos at maitayo ang mga nasirang paaralan.
Hindi naman nagbigay ang kagawaran ng iba pang detalye sa halaga ng nasira ng lindol.
Una rito, sinabi ni Education Spokesman Michael Poa na sasailalim sa pansamantalang alternative delivery modes o distance learning ang mga mag-aaral na apektado ng mga paaralang nasira.