Aprubado na ng Inter-Agency Task Force ang rekomendasyong isailalim na rin sa Alert Level 3 ang 14 pang lugar dahil sa posibleng paglobo ng COVID-19 cases.
Ayon kay Acting Presidential Spokesman Karlo Nograles, batay sa rekomendasyon ng Sub-Technical Working Group ng IATF simula linggo, Enero a– 9 ay isasailalim sa Alert Level 3 ang Baguio City;
Dagupan City sa Pangasinan; Santiago City sa Isabela; Cagayan; Pampanga, kabilang ang Angeles City; Bataan; Zambales, kabilang ang Olongapo City; Batangas at Lucena City;
Naga City sa Camarines Sur; Iloilo City maging ang Lapu-Lapu City sa Cebu hanggang Enero a –15.