14 ang nasawi habang 20 iba pa ang sugatan sa panibagong pag-atake sa Southern Afghanistan.
Ayon kay Omar Zwak, tagapagsalita ng gobernador ng Helmand province, naganap ang pagsabog malapit sa Ghazi Muhammad Ayoub Khan Stadium sa lungsod ng Lashkar Gah kung saan may nagaganap na wrestling match.
Bigla na lang umanong sumabog ang isang kotse sa lugar na may kargang bomba.
Pahayag ni Aminuallah Abed, chief ng provincial public health department, agad na isinugod sa lokal na pagamutan ang mga nasugatan habang inaasahang madaragdagan ang bilang ng mga nasawi.
Wala pang umaakong grupo sa naturang pag-atake.