Labing apat ang patay habang 35 iba pa ang sugatan matapos bumuhos ang malakas na ulan na nagdulot ng mudslide o pagragasa ng putik sa bayan ng Risaralda, Western Columbia.
Ayon sa mga otoridad, isang indibidwal ang patuloy pang pinaghahanap matapos mawala sa kasagsagan ng malakas na ulan.
Base sa imbestigasyon, 60 pamilya ang napilitang lumikas matapos masira ang kanilang tirahan na gawa umano sa mga kahoy.
Sa ngayon nagpahayag na ng pakikiramay si Colombian President Ivan Duque sa mga naiwang pamilya ng mga nasawi. —sa panulat ni Angelica Doctolero