Patay ang 14 na indibidwal kabilang na ang walong bata matapos ang dalawang araw na malalakas na pag-ulan sa Rio De Janeiro State sa Brazil.
Ayon sa mga otoridad, limang indibidwal pa ang nawawala at patuloy na pinaghahanap matapos ang malawakang pagbaha at pagguho ng lupa sa lugar.
Sa pahayag ni Rescue Effort and Dispatched National Disaster Response Secretary Alexandre Lucas, kabilang sa mga nasawi ay nahukay makaraang matabunan ng gumuhong lupa.
Sa ngayon, nagpadala na ng mga sasakyang pang himpapawid si President Jair Bolsonaro, para ireskyu ang nasa 17.5m na indibidwal.