Nasawi ang 14 na indibidwal matapos araruhin ng kotse ang nagkukumpulan na mga tao sa sikat na Carnival sa Calabar City, Nigeria.
Naganap noong Martes ang insidente sa parada ng sikat na Bikers’ Parade na isa sa mga pangunahing ruta ng nasabing Carnival.
Batay sa imbestigasyon, nawalan ng kontrol ang driver kaya’t naararo nito ang mga tao sa paligid.
Agad namang isinugod sa pagamutan ang ilang biktima na nagtamo ng sugat at matinding pinsala sa kanilang katawan.
Ang naturang Carnival na taunang ipinagdiriwang ng isang buwan ay dinarayo na ng mga tao mula pa 2004 nang una itong buksan sa publiko. —sa panulat ni Hannah Oledan