Patay ang labing apat na manggagawa matapos magcollapse o gumuho ang isang minahan ng carbon o uling sa Southwest China.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, nasawi ang mga minero matapos matrapped sa loob ng minahan.
Ayon sa mga rescuer, nahirapan silang irekober ang mga katawan ng biktima, dahil sa mga nagbabagsakang mga bato mula sa kweba ng nasabing lugar.
Sa ngayon, patuloy pang iniimbestigahan ang naging sanhi ng aksidente. —sa panulat ni Angelica Doctolero