Patay ang 14 na indibidwal matapos ang banggaan ng dalawang sasakyan sa Ghana, West Africa.
Ayon kay Emmanuel Bonney, tagapagsalita ng Western Regional Command ng Ghana National Fire Service, ang naganap na aksidente ay kinabibilangan ng isang van at isang truck kung saan, nagkaroon pa ng sunog matapos ang banggaan pero mabilis itong naapula ng mga bumbero.
Sa ngayon, patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang dahilan ng naganap na aksidente. — sa panulat ni Angelica Doctolero