14 katao ang nasawi sa naganap na landslide sa capital ng Cameroon.
Ayon kay Naseri Paul Bea, gobernador ng Yaounde, ang mga biktima ay dumadalo sa isang funeral service nang mabagsakan ng lupang may taas na 20 metro.
Ang Yaounde ay isa sa mga wettest cities sa Africa kaya’t inaasahan na ang pagguho ng lupa lalo na kung bumubuhos ang malakas na ulan.