Patay ang 14 na indibidwal habang mahigit 30 naman ang nawawala sa naganap na landslide sa Northeast India.
Nagtulong-tulong ang disaster response workers, mga pulis at local villagers sa pagsagip sa mga natabunan ng debris sa Noney District.
Milyon-milyong katao ang nawalan ng tirahan bunsod ng pagbaha nitong mga nakaraang linggo, at ilang mga bahay rin sa mga mababang lugar ang lumubog.
Nagpapatuloy naman ang search and rescue efforts ng mga otoridad.