Patay ang 14 katao sa naganap na suicide bombing habang sugatan ang 11 na nasa isang klinika sa Parwan Northwest ng Kabul, Afghanistan.
Inako ng Taliban ang pagpapasabog na target ang mga Afghan police.
Ayon kay Wahid Sediqqi tagapagsalita ng Parwan Governor, bukod sa 14 na patay kung saan kabilang ang 6 na pulis at 8 sibilyan, sugatan din ang 11 katao sa pag-atake sa isang klinika.
Matapos ang atake ay agad na nag-post sa twitter si Taliban Spokesman Zabiullah Mujahid na ipinagmamalaki ang pag-atake.
By Mariboy Ysibido