Labing apat (14) na ang patay sa China kaugnay ng pananalasa doon ng typhoon Soudelor.
Ayon sa ulat karamihan sa mga nasawi ay mula sa Wenzhou City kung saan ang mga biktima ay natangay ng mudslides o natabunan ng mga gumuho nilang bahay.
Maliban dito, 4 pa ang napaulat na nawawala.
Tinatayang nasa 1.58 milyon katao ang naapektuhan habang nasa mahigit 600 milyong dolyar ang halaga ng pinsalang idinulot ng bagyong Soudelor.
By Ralph Obina