Patay ang 14 na sibilyan sa isang factory sa airstrike na isinagawa ng Saudi-led military coalition sa Sanaa kapitolyo ng Yemen.
Ito ang kauna-unahang airstrike ng coalition sa Yemen matapos ang tatlong buwan.
Ayon sa mga medics na nagtatrabaho sa nasabing lugar, mga sibilyan sa Nahda District Crisp Factory ang mga biktima ng airstrike.
Dahil sa airstrikes napilitang magsuspinde ng flights ang Sanaa International Airport ng 72 oras.
By Mariboy Ysibido
Photo Credit: EPA