Aabot sa 14 katao ang patay sa naganap na tatlong pagsabog sa Yemen.
Inako ng Islamic State ang magkakahiwalay pero planadong pagsabog sa lungsod ng Mukalla.
Samantala sugatan ang 15 katao dahil sa pagsabog na isinabay sa paghahanda ng mga sundalo at security personnel para sa isang araw na fasting dahil sa Ramadan.
Isinagawa ng militanteng grupo ang pag-amin sa pamamagitan ng kanilang website.
By Mariboy Ysibido
Photo Credit: Reuters