Isinailalim na sa imbestigasyon ang 14 na pulis na nakatalaga sa New Bilibid Prison (NBP) dahil sa umano’y pagpupuslit ng iligal na mga bagay sa kulungan.
Nabatid na nagpupuslit umano ng cellphone ang nasabing mga pulis na pawang may ranggong patrolman hanggang corporal.
Una rito, nakarating sa kaalaman ng mga opisyal ng NBP na ilang miyembro ng PNP ang nagpapasok ng pagkain sa kulungan para ibenta o ibigay sa mga inmates.
Maliban pa sa mga ito 2 pulis pa mula sa Special reaction Unit ng Southern Police District at Northern Police District ang iniimbestigahan din dahil sa pagpapasok ng mga sigarilyo at alak sa loob ng NBP.
Tiniyak naman ni PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac na hindi ito kukunsintihin ng pambansang pulisya at mananagot ang mga ito sa oras na mapatunayan ang akusasyon.