Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang 14 na Overseas Filipino Workers (OFW)’s magbabalik na sana sa kanilang mga tahanan sa Cebu City.
Batay sa ulat, kabilang ang mga ito sa mahigit 200 mga OFW’s na na-stranded sa Metro Manila at pinayagan nang makauwi sa kani-kanilang mga probinsiya.
Bago pa man pinauwi ang mga nabanggit na OFW’s sa kanilang mga probinsiya, sumailalim muna ang mga ito sa mandatory 14-day quarantine at rapid tests procedure.
Sa kasalukuyan, muling pinag-quarantine ang labing apat na mga OFW’s na nagpositibo sa covid 19 sa isang hotel sa Cebu City na ginamit bilang quarantine facility.
Bagama’t walang mga sintomas mahigpit pa ring minomonitor ang kanilang mga kalagayan.