Nakitaan ng Department of Health (DOH) ng bahagyang pagtaas ng mga bagong kaso ng COVID-19 ang karamihan sa lungsod sa Metro Manila.
Ayon kay health undersecretary Maria Rosario Vergeire, 14 sa 18 lungsod sa NCR ang nakitaan ng positive growth rate na 1.6%.
Pero nilinaw niya na hindi nasu-sustain ang pagtaas nang tuloy-tuloy at nasa ilalim pa rin ng low risk classification ang NCR.
Binigyang-diin din ni Vergeire na ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa rehiyon ay hindi significant dahil hindi tumaas ang bilang ng severe at critical cases sa mga ospital.