Ipinanawagan ng 14 na senador ang agarang pagbibitiw sa puwesto ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III.
Ito’y dahil sa umano’y kapalpakan sa paghahanda ng bansa laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Batay sa senate resolution 362, tinukoy ang “lack of foresight” at “inefficiency” ni duque na siyang sinasabing dahilan kaya lumala ang sitwasyon.
Binanggit din ang hindi umano magandang paghawak ng mga opisyal ng DOH sa krisis dahilan upang malugmok ang pilipinas sa pinakamababang safety ranking sa mga bansa sa asia pacific.
Bukod dito, binigyang diin sa resolusyon ang umano’y pagkabigo ng DOH na bilisan ang accreditation ng mga testing centers tulad ng naranasan ng lokal na pamahalaan ng marikina.
Kabilang sa mga senador na lumagda sa resolusyon sina Vicente Sotto III, Juan Miguel Zubiri, Sonny Angara, Nancy Binay, Grace Poe, Manny Pacquiao, Sherwin Gatchalian, Francis Tolentino, Joel Villanueva, Ronald “Bato” Dela Rosa, Imee Marcos, Lito Lapid, Ramon “Bong” Revilla Jr. at Panfilo Lacson.