Lumagda na ang 14 na senador para kuwestyunin ang substitute bill ng kapwa senador na si Ferdinand “Bongbong” Marcos sa orihinal na BBL o Bangsamoro Basic Law.
Sinabi ni Marcos na inaasahan na niyang maraming senador ang mag-iinterpellate sa kanila at kung mayroon man aniyang malaking depekto sa kanilang substitute bill, may panahon pa para palitan o amyendahan ang mga ito.
Bilang chairman ng Senate Committee on the Local Government, pinangunahan ni Marcos ang pag-review sa BBL version na isinusulong ng Malacañang kung saan ang bahagi ay maituturing na unconstitutional.
By Judith Larino