Umaabot sa 140 Bilyong Piso ang halagang nawawala kada taon sa bansa dahil sa Red Tape.
Ito ang binigyang diin ni Senador Ralph Recto makaraang himukin ang itinalagang Anti-Red Tape Czar na si Finance Undersecretary Gil Beltran na tanggalin lahat ng mga obsolete ng patakaran sa gobyerno.
Sinabi pa ni Recto na ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na bawasan ang Red Tape ay hindi lang dapat ipatupad sa National Government kundi maging sa mga Lokal na Pamahalaan kung saan ay nagbabayad ang publiko ng Permit at License Fees taun-taon
Bagamat pinuri ni Recto ang pagtatalaga kay Beltran bilang Anti Red Tape Czar, pero limitado lang mandato nito sa Dept of Finance at Attached Agencies tulad ng Bureau of Internal Revenue at Bureau of Customs.
Aniya, mas maganda kung may Bureaucracy Wide mandate ang Anti Red Tape Czar.
By: Meann Tanbio