Umakyat na sa 140 ang bilang ng mga overseas filipino workers (OFWs) sa Hong Kong na nagpositibo sa Covid-19.
Ayon kay Hong Kong Labor Attaché Melchor Dizon ng Philippine Overseas Labor Office (POLO), 134 dito ay nasa isolation 6 ang bumalik sa trabaho matapos makarekober.
63 namang ofws ang nasa bahay ng kanilang employer, 18 ang nasa quarantine facilities, 18 ang nasa boarding house, dalawa sa hotel facilities at 12 sa hospital isolation. —sa panulat ni Abby Malanday