Hawak ng Iraqi authorities ang aabot sa 1,400 mga dayuhang asawa at anak ng mga hinihinalang miyembro ng ISIS o Islamic State of Iraq and Syria.
Ito ay kasunod na mapatalsik ng pamahalaan ng Iraq ang nasabing Jihadist group sa pinagkukutaan nito sa Mosul.
Ayon kay Army Colonel Ahmed Al Taie, bagamat mahigpit nilang binabantayan ang mga nasabing pamilya ng mga miyembro ng ISIS ay tiniyak nito na maayos ang kanilang pagtrato sa mga ito.
Kabilang sa mga nasyonalidad ng kanilang mga hawak na pamilya ng mga ISIS members ay Turkish, Russian, Asian, French at Germans.
—-