Kinumpiska ng mga otoridad sa Hong Kong ang 1,400 passport ng overseas filipino workers (OFWs) mula sa isang lending company.
Sinasabing ginamit ang mga naturang passport bilang collateral para makapag-loan ang mga OFW sa overseas first credit na ipinagbabawal naman sa Hong Kong base na rin sa foreign service circular.
Bilang parusa sa mga nahuli, ipinawalang bisa ang pasaporte ng mga ito subalit papayagan ang mga OFW na mag-apply ng panibagong passport.
Kailangan lamang magsumite ng mga OFW ng affidavit na nagsasabing ang lumang passport nila ay ginamit na pang-collateral para makapag loan.
Nai-turn over na ng Hong Kong authorities sa consulate office sa Hong Kong ang 900 nakumpiskang pasaporte ng mga OFW.