Kinumpirma ng Province Bus Operators Association of the Philippines (PBOAP) na nasa 14,000 nang empleyado ng provincial bus companies ang nawalan ng trabaho.
Ginawa ni PBOAP Executive Director Alex Yague ang kumpirmasyon matapos ianunsyo ng Victory Liner ang pagtanggal sa may 400 nilang empleyado.
Ayon kay Yague, karamihan sa mga tinanggal sa mga provincial bus companies ay support staff.
May mga miyembro na rin aniya silang bumibiyahe sa mga rehiyon na pinapayagan ng DOTr subalit 50% lamang ng kapasidad ng bus ang kelangang isakay para maobserbahan ang social distancing.
Sinabi ni Yague na bagamat walang kikitain ang kumpanya sa 50% capacity, nagpatakbo na rin sila ng mga bus para may kitain ang kanilang mga drivers at konduktor sa halip na magmula pa sa bulsa ng may ari ang ayuda para sa kanila.