Ipinare-recall sa merkado ang 14,000 unit ng Honda para mapalitan ang nagkaproblema nitong mga airbag.
Ayon kay Honda Cars Philippines Administration Division Head Vicenta Balarbar, nagkaproblema sa paggawa ng mga airbag inflator at maari itong mabutas pag kailangan na ito na posibleng ikapinsala ng pasahero.
Kabilang sa mga apektadong units ay ang Honda Accord at Honda City na ginawa noong 2003, Honda Civic mula taong 2001 hanggang 2009, Honda CRV ng mga taong 2003 hanggang 2009 at Honda Jazz ng mga taong 2002 hanggang 2009.
Karamihan sa mga units na pinare-recall ay ang Honda CRV na aabot sa mahigit 9,000 unit.
Bagamat wala pa namang insidente nangyaring ganito sa Pilipinas ay papalitan na rin ng Honda ang mga airbag inflator ng libre para sa kaligtasan ng mga gagamit ng sasakyan.